Isa sa mga mataong lugar ang
bangko o bank sa ingles. Sa mga loob ng malls, matatagpuan ang mga
establisyementong ganito. Kalimitan mall hours din sila nagbubukas pag nasa
mall o di kaya may itinakdang oras. Maraming klase ng bangko na makikita dito
katulad ng China Bank, BPI, Bancet, Allied Bank, MetroBank, VISA at ang isa sa pinaka sikat
na bangko ang BDO (Banco De Oro). Sa bangko, pwede ka magdeposit at magwithdraw
ng pera sa bank accounts. Sa loob ng bangko ka magdedeposit at sa labas ka
naman magwiwithdraw sa pamamagitan ng ATM o ang Automated Teller Machine.
Sa loob din ng bangko pwede ka magbayad ng bills pero kailangan mo muna
magparegister (sabi ni Mama) at syempre sa loob ka din magoopen ng account mo at pagnatapos ka na magpaopen mga ilang araw makukuha mo na yung card mo.
Isa ito sa senaryo sa bahay
kanina kaya ito ang naisipang ko itong iblog. Sabi kasi ni Mama magbukas daw ako
ng bank account ko pero ang sagot ko lamang sa kanya ay "hmm pede rin.". Sa aking
edad na 17, alam ko na pano magwithdraw pero inaamin ko nakalimutan ko pano
magdeposit. Ang alam ko lang kase sa pagdedeposit ay magffill-up ka lang ng
Deposit Slip, lalagayan ng pangalan at kung ano pa man, at syempre yung amount
kung magkano dedeposit. Tapos matatanong sa guard kung saan pipila para
magdeposit at yun lang ang pagkakalam ko pero hindi ko sigurado kung tama. Wala
naman kasi akong ATM Card at hindi ko pa nakita si Mama na nagdeposit sa bangko
pag kasama nya ako. Ang alam ko ang pagwiwithdraw kase insert mo lang yung card
pindot dito at doon booom! Lalabas na yung pera. Sabi sa akin ni Mama, nakakain daw ang card
mo ng ATM. Ibig sabihin hindi na nailalabas ng ATM ang card mo pag mali ang
pasok ng card at kung mali ang pagpindot mo ng iyong password. Nangangauhulugan
ito na hindi sa iyo ang card at isa lamang ito na NAKAW. Pag nakain na ito
mababalik pa din siguro ang pera na nasa iyong account dati.
Sabi ni Mama, may maintaining
balance daw pag nagopen ka ng account mo. Kaya ka nga nagbukas ng account
mo sa isang bangko upang makaipon ng pera para sa future mo. Hindi ka dapat
maging gastador pagdating sa pera dahil sa huli ikaw din mahihirapan. Depende
daw sa bangko kung magkano ang maintaining balance. Sa bangko na pinagwiwithdrawhan ni Mama may
dalawang klase ng card. Yung regular lang na card nasa Php. 2000.00 pero
pag bank book nasa Php. 5000.00 (kasama na card). Ang bank book ito yung mala
passport na itsura doon mo makikita yung break down ng pera mo kung
kelan ka nagwithdraw mga ganung bagay-bagay. Mas maganda kung may bankbook para
mas malamam mo kung kelan at magkano na lang din ang natitira sa iyong account
dahil pag sa resibo kase nawawala o di kaya natatapon natin pagkatapos mag
withdraw.
Para sa isang estudyanteng
katulad ko mas maganda kung nakakapagipon na din ako at maisipang magbukas ng
account. Ang kinakatakot ko lang ay baka hindi ko mahulugan yung account ko.
Baka kase magclose na rin yung card as sobrang tagal na hindi nahuhulugan. Madami
kaseng ginagastos sa school at hindi maiwasan na maglabas ng pera. Bili dito,
bili doon. Sa pamamagitan din nito, nabibili na din ng gusto mo katulad ng
simpleng phone, damit, sapatos, kaartehan sa katawan, pag nag fofoodtrip kasama
mga kaibigan at yung pagnag gagala kayo at marami pang iba. Ayon din sa aking
mga kaibigan, yun din yung kinakatakot nila na di nila malagyan. Aminado din
silang gastador sila at hindi mapigilan sa paglabas ng pera mula sa wallet o
bulsa. Ako may naipon naman ako at nakabili na rin ako ng mga bagay mula sa
ipon ko pero wala akong bank account. Pero hindi na rin ako nakakabili para sa
sarili. Minsan na lang.
Ang mapapayo ko lang sa mga
kapwa kong estudyante at magbukas na rin ng bank account hindi upang
ipagmayabang sa mga kaibigan kundi para makaipon para sa kinabukasan at sa mga
biglaang labas ng pera para bilhin ang mga gamit o may iba pang paggamitan.
Para sa akin kase hindi sapat na sa wallet lang tayo magiipon kase nalalabas mo
agad. Natetemp ka na gastusin kase gusto mo to bilhin at ang resulta wala ng
ipon. Mas mabuti ito para hindi lang tayong mga estudyante ang laging hingi sa
nanay o tatay natin. Dapat may pagkukusa din tayo sa sarili na magipon. Maging
maingat sa paggamit ng pera. Hindi naman kasi ito pinupulot. Pinaghihirapan ang
pera at pinagiipunan.
Maging marunong. Maging
matipid. Maging responsable.
Bow.