Huwebes, Nobyembre 8, 2012

Bank Account



Isa sa mga mataong lugar ang bangko o bank sa ingles. Sa mga loob ng malls, matatagpuan ang mga establisyementong ganito. Kalimitan mall hours din sila nagbubukas pag nasa mall o di kaya may itinakdang oras. Maraming klase ng bangko na makikita dito katulad ng China Bank, BPI, Bancet, Allied Bank, MetroBank, VISA at ang isa sa pinaka sikat na bangko ang BDO (Banco De Oro). Sa bangko, pwede ka magdeposit at magwithdraw ng pera sa bank accounts. Sa loob ng bangko ka magdedeposit at sa labas ka naman magwiwithdraw sa pamamagitan ng ATM o ang Automated Teller Machine. Sa loob din ng bangko pwede ka magbayad ng bills pero kailangan mo muna magparegister (sabi ni Mama) at syempre sa loob ka din magoopen ng account mo at pagnatapos ka na magpaopen mga ilang araw makukuha mo na yung card mo.

Isa ito sa senaryo sa bahay kanina kaya ito ang naisipang ko itong iblog. Sabi kasi ni Mama  magbukas daw ako ng bank account ko pero ang sagot ko lamang sa kanya ay "hmm pede rin.". Sa aking edad na 17, alam ko na pano magwithdraw pero inaamin ko nakalimutan ko pano magdeposit. Ang alam ko lang kase sa pagdedeposit ay magffill-up ka lang ng Deposit Slip, lalagayan ng pangalan at kung ano pa man, at syempre yung amount kung magkano dedeposit. Tapos matatanong sa guard kung saan pipila para magdeposit at yun lang ang pagkakalam ko pero hindi ko sigurado kung tama. Wala naman kasi akong ATM Card at hindi ko pa nakita si Mama na nagdeposit sa bangko pag kasama nya ako. Ang alam ko ang pagwiwithdraw kase insert mo lang yung card pindot dito at doon booom! Lalabas na yung pera. Sabi sa akin ni Mama, nakakain daw ang card mo ng ATM. Ibig sabihin hindi na nailalabas ng ATM ang card mo pag mali ang pasok ng card at kung mali ang pagpindot mo ng iyong password. Nangangauhulugan ito na hindi sa iyo ang card at isa lamang ito na NAKAW. Pag nakain na ito mababalik pa din siguro ang pera na nasa iyong account dati.


Sa harap ng ATM machine, una pinapasok ang ATM Card. Dapat alam mo kung ano posisyon ng card mo sa pagpasok sa ATM Machine. Kung mali ang pagpasok mo, sorry nalang at kailangan mo ireport ang ganitong insidente sa mismong bangko na iyong pinagwiwithdrawhan at 3 araw mula ng makain ito pede makuha. Syempre, dapat alam mo din kung ano ang iyong password. Madalas na password kase ay yung birthday mo. May limang numero ka lang na pede pagpilian sa paggawa ng isang password. Tip lang! Dapat hindi kumplikado ang paggawa sa iyong password. Baka naman kase sa sobrang kumplikado ay nakalimutan mo na ang password mo. 

Sabi ni Mama, may maintaining balance daw pag nagopen ka ng account mo. Kaya ka nga nagbukas ng account mo sa isang bangko upang makaipon ng pera para sa future mo. Hindi ka dapat maging gastador pagdating sa pera dahil sa huli ikaw din mahihirapan. Depende daw sa bangko kung magkano ang maintaining balance.  Sa bangko na pinagwiwithdrawhan ni Mama may dalawang klase ng card. Yung regular lang na card nasa Php. 2000.00 pero pag bank book nasa Php. 5000.00 (kasama na card). Ang bank book ito yung mala passport na itsura doon mo makikita yung break down ng pera mo kung kelan ka nagwithdraw mga ganung bagay-bagay. Mas maganda kung may bankbook para mas malamam mo kung kelan at magkano na lang din ang natitira sa iyong account dahil pag sa resibo kase nawawala o di kaya natatapon natin pagkatapos mag withdraw.



Para sa isang estudyanteng katulad ko mas maganda kung nakakapagipon na din ako at maisipang magbukas ng account. Ang kinakatakot ko lang ay baka hindi ko mahulugan yung account ko. Baka kase magclose na rin yung card as sobrang tagal na hindi nahuhulugan. Madami kaseng ginagastos sa school at hindi maiwasan na maglabas ng pera. Bili dito, bili doon. Sa pamamagitan din nito, nabibili na din ng gusto mo katulad ng simpleng phone, damit, sapatos, kaartehan sa katawan, pag nag fofoodtrip kasama mga kaibigan at yung pagnag gagala kayo at marami pang iba. Ayon din sa aking mga kaibigan, yun din yung kinakatakot nila na di nila malagyan. Aminado din silang gastador sila at hindi mapigilan sa paglabas ng pera mula sa wallet o bulsa. Ako may naipon naman ako at nakabili na rin ako ng mga bagay mula sa ipon ko pero wala akong bank account. Pero hindi na rin ako nakakabili para sa sarili. Minsan na lang.

Ang mapapayo ko lang sa mga kapwa kong estudyante at magbukas na rin ng bank account hindi upang ipagmayabang sa mga kaibigan kundi para makaipon para sa kinabukasan at sa mga biglaang labas ng pera para bilhin ang mga gamit o may iba pang paggamitan. Para sa akin kase hindi sapat na sa wallet lang tayo magiipon kase nalalabas mo agad. Natetemp ka na gastusin kase gusto mo to bilhin at ang resulta wala ng ipon. Mas mabuti ito para hindi lang tayong mga estudyante ang laging hingi sa nanay o tatay natin. Dapat may pagkukusa din tayo sa sarili na magipon. Maging maingat sa paggamit ng pera. Hindi naman kasi ito pinupulot. Pinaghihirapan ang pera at pinagiipunan.

Maging marunong. Maging matipid. Maging responsable.

Bow.

First blog. Yehey!

Bow.

Ngayon ko lang nasimulan ang aking blog.  Dahil naging intereasdo ako sa paggawa. Sa blog na to ma iexpress ko sa sarili ko sa mga bagay bagay. Especially sa mga gusto ko gawin ko sa buhay. Facts, likes and dislikes sa buhay. Random opinions about certain issues or what. Democratic Country naman ang Pilipinas. I have a freedom to express myself.